Life of Independent Woman : Azumi Chan

by Azumi Chan

Magandang Araw!. This is my personal BLOG i just want to inspire each one of you.

I was 15 year’s old when I decided to get a job . Na-kipagsapalaran ako sa manila nang walang ka idea-idea anu ang kakaharapin kong trabaho. At first akala ko after I graduated high school eh maganda n trabaho na papasukan ko pero ngakamali ako. At very young age nagtrabaho na ako bilang tagapag-alaga nang matandang mag-asawa . Mahirap Pala Ang maging caregiver”. Tumagal ako sa kanila nang dalawang taon then umuwi ako nang probinsya. Gusto ko mag-aral nang college pero dahil sa hirap nang buhay di kaya nang mga magulang ko lalot ako ang panganay . Hangang sa nagtrabaho na lang ulit ako bilang tindera sa probinsya . Naiingit ako sa mga dumadaan sa harap nng tindahan ” mga studyanteng suot Ang kanilang magagandang uniforme” . Sabi ko sa sarili ko balang Araw magsusuot din ako nyan!.

Then eto na nga ., Active Kasi ako sa church as choir ” manganganta ” Meron kami katikista na nag alok if gusto ko daw pumasok nng kumbento at maging “Madre’ habang ako daw ay nag-aaral . Syempre pumayag ako , btw I was 18 year’s old that time ( dalagang – dalaga diba ) to cut it short pumayag ako at sinubukan ko for almost 2 years ( 8 years ang bubunuin mo bago ka magng isang ganap na MADRE ).

Tama ka sa nabasa mo ‘ Pumasok ako at sinubukan kong mamuhay sa loob nang kumbento. Mabait naman daw ako at magalang na bata, madasalin pa kaya nahiligan kung “LUMUHOD” hangang ngayon . Ahihii ( Biro lang )., Ang Dami kung natutunan spiritual values nang pumasok ako sa kumbento nabitbit ko parin kahit akoy nasa labas na ., oo nga pala hindi ako nakapasa sa final evaluation nang mother superior sa diko alam n dahilan – Mukha daw Kasi along lalaki hihi

Wait? Panu ko ba I kokonek ang title ng blog sa kwento ko ? Hihi eto na nga Ang exciting part !!.

Bumalik ako nang manila. Walang manyayari sa buhay ko kung di ako gagawa nang paraan para makapag aral. So eto nga pumasok ako bilang caregiver ulit ., nakipagsapalaran nanaman si AZUMI CHAN. Dun palang nasubukan na ang pasensya ko. Hangang dumating na ako sa edad na 22 Dun ko na naisp n mag-aral nang after nakapag-ipon.. Yes! late na ako nag college. I was 26 year’s old nang nakapagtapos nang kolehiyo . Panu ko ginawa un?..Di ako nagpahinga from Monday to Saturday nag-tatrabaho ako then Sunday nag-aaral ako..,for 4 years ganun setup nang schedule ko. Ang pasok ko sa school that time 7am to 7pm . “Wala Akong pahinga” .

After school trabaho naman. Stay-in ako sa trabaho ko . Mahirap pero kinaya natin kasi meron tayung pangarap sa Buhay. Mula pa nuon hindi na normal tulog ko ( gabi gingawa kung araw ) project and homework ko ganagawa ko kapag freetime ko sa work. Sahod ko pang tuition ko lang. Mahalaga nakakain ako at me nattirang pang allowance. Thankful din ako sa school na pinasukan ko kasi sila lang yung school na nag-offer nang Sunday School and take note bachelor courses na. To cut it short ” WORKING STUDENT SI MS AZUMI”.

Yesss ! Thanks GOD . Nakapagtapos ako and candidate sana ako for CUMLAUDE .. kung d lang sa 2.5 ko na grade haha . Sad part umakyat ako sa stage nang wala magulang ko. Pero di nayun big deal sakin mahalaga nakapagtapos ako nang COLLEGE. Ang dami ko pinagdaanan hirap from a very young age until now nagtatrabho parin ako ( in different level na nga lang ) . Ngayon me maayos nakung trabaho at patuloy na nakikipagsapalaran sa hamon nang buhay.

Proud and loud na sabhin sa inyo HINDI AKO UMASA SA MAGULANG ko para makapgtapos nang pagaaral . Si Azumi na-kipagsapalaran sa syudad sa murang edad para makapag aral at makapg trabaho. KAYA UNG PAGSUBOK SA BUHAY wala na yan sakin lahat na ata nng hirap na pwedeng pagdaanan naranasan ko na., Natuto akong tumayo sa sariling kong mga paa.

Kaya Ikaw na sumusuko na sa hamon nang Buhay . Magdasal ka!!. Di tayu magtatagumpay kung di natin pagdaanan ang hirap nang buhay . Kailangan nating matuto at madapa para pagbangon natin malakas na tayo. Me problema ka? Pwede mo iiyak., then huminga nang malalim then exhale tapos laban ulit . Ganun lang., Tuloy lang sa hamon nang buhay. There’s no shortcut to success ., Kapit lang Ang magtiwala sa sariling kakayanan ” AAHON KA DIN ” .

Sino si Azumi?. next blog kwento ko…

Leave a Comment