Hype na hype ngayon ang Pi Network dahil sa bagong balita. Ito ay ang migration ng mga naminang Pi from test to main net wallet. Pero alam nyo ba na maraming kontrobersiya pa rin ang kinakaharap ng Pi Network mula nung inilaunch ito hanggang ngayon? Alamin natin kung anu-ano ito at bakit.
Nagsimula ang Pi Network noong 2019 sa pangunguna ni Dr. Nicolas Kokkalis at ng kanyang team. Ito ay isang free mining app na binuo para sa mga ordinaryong tao. Paanoong ordinaryo? Kung noon ang Bitcoin nagsimula rin sa pagmimina gamit ang mga malalakas na resources tulad ng mga malalakas na computer at internet connection (ibig sabihin halos ang “may kaya” lang ang makakapag dominate sa minahan), ang Pi Network ay gumagamit lamang ng cellphone at data. Therefore, kahit sino basta’t may cellphone ka at data, pwede kang magmina. Subalit ito ay hindi nakatakas sa mga kontrobersiya sa mundo ng cryptocurrency.
Isa sa pinakauna at pinakamatunog na kontrobersiya nito ay ang bansag nitong isang scam dahil nga sa walang value ang coin na ito at ang napakadaling sistema ng pagmimina at sa isyu ng pagnanakaw ng personal data ng user. Pero marami pa ring naniniwala dito dahil sa programa nito para sa masa (alam nyo naman, marami tayo na gustong yumaman huehuehue). Sumunod dito ang isyu sa KYC na pagkatagal – tagal, umabot ng higit dalawang taon bago nagka mass-KYC. Sya nga pala, para sa mga hindi familiar kung ano ang KYC. Ang KYC o Know Your Customer/Client ay isang sistema ng pag-validate kung ang isang user ay totoong tao o hindi, aside from that, vinavalidate din ito ang legitimacy ng isang tao sa isang lugar kaya nanghihingi ito ng mga valid IDs at ibang dokumento.
Punta na tayo sa exciting part, ang migration ng mga naminang Pi sa mainnet wallet. Lahat nag-aabang kung kalian pwede na makapag transact gamit ang Pi, ito ay dahil sa hype nga mga tao patungkol sa value nito. Maraming mga kuru-kuro ang nagsilabasan patungkol sa consensus value. Iba’t ibang value ang nagsilabasan galing sa iba’t ibang bansa at grupo, ilan sa kanila ay ang mga kilalang grupo sa Pilipinas at sa ibang bansa, narito ang ilan sa mga naghain ng kanilang mga value na plano nilang sundin:
1. Pi Manila = $100
2. TPG = $314
3. Pi200Mall = $200
4. China at Africa = $314,159
5. Iba pang mga grupo = $1,000 at $10
Ngunit ano nga ba ang consensus value? Anong papel nito sa Pi Network? Ayon sa google dictionary, ang ibig sabihin ng consensus ay “a general agreement” na sa tagalog, ang ibig sabihin ay pinagkaisahan o pinagkasunduan. Marami ang nagkakagulo kung anong consensus value ang susundin ng mga marketplaces at ibang mga sektor para makapag transact gamit ang Pi Coin. Ngunit maraming dapat iconsider bago ito ma-realize, nandiyan ang supply and demand, sustainability, at higit sa lahat ang balanse ng consumer at provider. Dahil aminin man natin o hindi, nakadepende at naghihintay pa rin talaga tayo sa kung anong official value ang ilalabas ng PCT for exchange value. Matatandaan natin na papasok pa lang tayo sa “Enclosed Mainnet” na ayon sa white paper ng Pi Network, maaari kang makapag transact ng Pi Coin via P2P (peer – to – peer) or P2A (peer – to – apps) for goods and services at hindi ito available sa exchange or palitan sa kahit exchange apps. Ibig sabihin nito, ipapacirculate ang Pi Coins for goods and services via P2P or P2A nang wala pang exact value. Dito na papasok ang consensus value o halaga na napagkasunduan ng isang grupo na kanilang susundin sa pakikipagpalitan at pakikipagkalakaran ng goods at services. Hanggang hindi pa tayo makakaabot sa “Open Mainnet” mananatiling palaisipan at argumento sa bawat tao at grupo ang consensus value.
Ngunit anong value ba dapat ang masusunod? Sino – sino ang mga apektado kung amy susundin silang value? Nararapat ba na sa open mainnet nalang sila magsimula ng mga negosyo at serbisyo? Papaano makaka apekto sa mga Pioneers ang pagsunod sa consensus value? Anu-ano ang mga advantages at disadvantages nito sa ating mga Pioneers, sellers at service providers? Ang PCT ba talaga ang masusunod o ang masa?
Paki comment ang inyong mga ideas and opinions sa baba.