The Distinctive Noise in Ecommerce World

by Be Informed

Select item, add to cart, check out. Familiar ba? Hehe. Well, isa lang yan sa mga paraan kung paano napapadali ang ating pamimili ng iba’t ibang produkto na hindi na kailangang pumuna sa mga tindahan o mga malls. Dahil sa ecommerce naging madali ang sistema ng pamimili lalong lalo na nung kasagsagan ng pandemic. Nagsulputan na rin ang mga online stores, delivery/courier services at mga multi-vendor ecommerce sites/apps.

Matunog ang mga pangalang Shopee at Lazada, dahil sila ang leading at prominenteng multivendor e-commerce website dito sa Pilipinas. Bukod sa mura eh may COD pa. Pero, hindi maikakaila na maraming scammers na naglipana sa mga sites na iyan, pati na rin mga bogus buyers at mga masasamang loob. Hindi ko alam kung nakikita ba yan ng management or naaattend ang mga ganyang concerns lalong lalo na sa mga palit-items na nangyayari na imbes na cellphone ang binili eh bato pala ang laman. Saklap! 🙁

Subalit mayroong isang bagong multivendor e-commerce marketplace ang gumagawa ng ingay sa mundo ng ecommerce at online shopping. Ito ay ang ExpressPi (https://expresspi.com). Ayon sa aming pagsisiyasat, ang expresspi ay nabuo dahil sa sinusuportahan nilang bagong cryptocurrency na Pi Network. Ito rin ay isang multivendor e-commerce marketplace na ang kaibahan nila sa mga leading multivendor ecommerce ay ang Expresspi ay tatanggap ng cryptocurrency bilang isang alternatibong mode of payment alinsunod sa crypto-regulations ng bansa. Subalit hindi ang pagtanggap ng cryptocurrency ang naging dahilan ng pag-gawa nila ng ingay. Kundi ang pamimigay nila ng libreng mga items. Libre in the sense na ang user ay may mga activities na gagawin habang naka login tulad ng pag login araw-araw, pag comment o review ng mga produkto at pag follow ng store at makakapag ipon sila ng points, ito ay ang TPG Credits. Ang mga naipong TPG Credits (points) ay maaaring gawing pambayad o ipagpalit sa mga items na binibenta sa Expresspi. Marami na rin ang nakasaksi at nakaranas ng pag gamit ng TPG Credits ng site na ito. Para sa mga dagdag kaalaman maaaring bisitahin ang kanilang official facebook page na https://www.facebook.com/expresspi

Mayroon pa ba kayong mga alam na ibang ecommerce na gumagawa ng ingay? Icomment na sa baba! 🙂

Related Posts

Leave a Comment