The Secret Paradise

by Be Informed

Stressed sa trabaho, pagod, puyat, drained, exhausted at iba pa. Ilan lang naman yan sa mga factors na nakaka apekto sa performance ng ating trabaho. Well, mahal naman natin ang ating mga trabaho, kaso lang, tao lang tayo, napapagod din and we deserve to have a vacation and unwind. Yung mga tipong beaching, mountaineering, adventures at iba pa. Dito sa isang municipality sa probinsya ng Zamboanga del Sur, ang Dumalinao ay may munting solusyon sa inyong mga stress sa trabaho at mga toxic na kapaligiran. Halina’t ating iladlad ang sikreto ng Secret Paradise!!!

Brgy. Cuatro Cuatro, Dumalinao, Zamboanga del Sur, kung saan matatagpuan ang isang munting unwinding place na tinatawag na Secret Paradise (hindi na siya sikreto ngayon, binulgar na natin eh hehe). Ito ay isang mountain view na kung saan kitang kita mo ang lawak ng kabundukan, munting kagubatan at karagatan. Perfect unwinding place sa mga katrabaho mo, jowa mo, jowa ng iba (cheret hehe), mga barkada at pamilya. Perfect place para irelease ang mga stress sa life, mga negativities and start a new and fresh mind. Instagrammable ang tanawin, fresh air at nakakagaan ng pakiramdam. Fifty (50) pesos lang ang entrance fee at kung gusto mong makatipid sa pagkain, pwed kayong magdala ng baon at dun na mag picnic. Pwede rin kayong mag overnight, meron silang tent – for – rent at pwede rin kayong magdala ng sariling tent.

In terms of security, very secured ang lugar. Naka fence at mababait naman ang mga tao dun (aso lang sa daan ang hinde, nanghahabol eh hehe). Very accommodating and approachable staff at well monitored ng may-ari. Meron silang magandang mountain seat na ang background mo ay ang kabundukan at karagatan, fireplace na perfect an perfect for campfire at 2nd floor area na mas instagrammable ang view.

Naway makapunta kayo sa lugar na ito at mairelease ang mga stress sa life. Alagaan natin ang ating mga sarili, wag masyadong papaka stress sa trabaho. Unwind2 din minsan. 😊

Para sa karagdagang impormasyon at bookings, ito po ang kanilang facebook page https://www.facebook.com/Secret-Paradise-107147512034400

Related Posts

Leave a Comment