The Bored este Board Exam
Passing the board exam can be very difficult, I for one have experienced what they called the “horror” before and during taking the exam. The preparations, pressure, stress, sleepless nights and crazy methods and strategies just to memorize (WTF?!) all information you read from the books, tapos pogi ka pa (charot! Hehe!). May mga panahon na nag rereview eh hindi makapag concentrate sa klase kase ang utak nasa labas, nakaka pressure pa kase mga kaklase mo eh ang tatalino, yung tipong napapaisip ka na “Wtf? Ba’t hindi naming to napag-aralan dati? Pano na ngayon to? Dapat memoryado ko to.” Much worst is nagbabayad pa ng malaking halaga para lang sa sinasabing “leakage” and yet di naman pala garantisadong makakapasa, well, may mga nakapasa din kaso, alam nyo na, pandaraya, bad yun.
So the next question is, sino ba ako? How sure am I sa mga pinagsasabi ko dito sa librong ‘to? May narating na ba ako? Nakapasa na ba ako? Well guys, magpapakilala nga pala ako. I’m Gabriel R. Ebina, 31 years young at pogi (Charot! Haha!), a Registered Criminologist with a rating of 83.55% (2011 Criminology Licensure Examination) and a Licensed Professional Teacher with a rating of 79.80% (2017 Licensure Examination for Teachers), a passer of 2008 PMA Entrance Examination (saying di ako nakapag patuloy), Criminology Review Lecturer from 2011-2017 (Pagadian Capitol College Pagadian City, Gov. Alfonso D. Tan College Tangub City, RM Review Center formerly Western Empire Security Agency (WESA) Zamboanga City), Criminology Instructor 2011 to 2016 (Western Mindanao State University, External Studies Unit, Pagadian City), OIC-Faculty Head (Department of Criminology of Western Mindanao State University, External Studies Unit, Pagadian City) 2014-2015, Public School Teacher (Ma. Clara Lobregat NHS, Dumalinao, Zamboanga del Sur) from 2016 – present. Pasintabi lang po ah, I’m showing you this not to brag but to inspire, also to justify all the things that I’m about to share to you. I guarantee you, mataas ang chance mong makapasa hindi lang sa board exam kundi sa kahit ano mang exam. What I’m about to share to you are some tips before and during taking the board exam which can give you the best chances on passing.
BEFORE TAKING THE BOARD EXAM
THE PREPARATION
Uy! Graduate kana! Sure ka ba na may natutunan ka sa buong college days mo? Baka puro lakwatsa, inuman at jowa-jowa lang natatandaan mo ha. Charot! Haha! Kidding aside, now you have to prepare yourself. So you have to decide whether you’re gonna take a review class or mag-seself review ka lang. Either way, wala pa namang kasiguraduhan kung papasa ka ba o hinde. I’m not discouraging you ha, real talk lang tayo, ayoko ng mga paasa tulad ng ex ko, charot! Haha! Ayoko ng mga false hopes na kesho pag binasa at sinunod mo to eh papasa ka na sigurado. Walang ganun, nasa sarili mo yan, gumagabay lang ako.
Advantages of Taking a Review Class
- It refreshes your prior knowledge and gain new ones. Dahil sa information na binabahagi ng mga lecturers. Those lecturers are either in an actual practice of their expertise in their
field or mga nasa academe. - There’ll be several and various systems/methods and or strategies that may help you in retaining the information. Shinashare din yan during review class.
- Supporting review materials. Obvious, mga binebenta at free na mga review materials.
Disadvantage of Taking Review Class
- Costly and expensive. Kase gagastos ka para sa enrollment and other review materials (di naman garantisadong papasa ka) I’m not discouraging you ha, this is just reality and no BS. May mga pakulo pa silang mga “leakage-leakage” or marathon review, yung puspusan at todo puyatan sa pagrereview, dagdag gastos.
- Pressure. Kase marami or mostly sa mga kaklase mo eh mga matatalino at feeling matalino kaya nakaka pressure sa’yo, mag seself pity kase iniisip mo na “Buti pa sila alam nila yun, ako hinde, buti pa sila nadaanan nila yun, kami hinde” kaya ayun, na discourage, tumigil sa pag rereview, saying panahon at pera. Nagkakaroon ng copetition.
Advantages of Self-review
- Less gastos. Syempre hindi ka mag eenrol sa review class eh, ang gagastusin mo lang naman kung gugustuhin mo eh mga review materials. Tsaka, sa panahon ngayon abotkamay na kahit nino ang internet, may youtube, google at may groups sa facebook (oops! Sekreto ko sana dapat yun, pero ok lang. Hehe.)
- Less pressure. Kase walang competition eh.
Disadvantages of Self-review
- Alone. saklap :’( charot! Haha! Mahirap iverify ang mga information na nabasa mo kase wala kang mapagtatanungan or walang nakakapag explain sayo, medjo limited lang din ang information na nakukuha mo kase naglilimit lang sa mga nababasa mo.
- Lack of resources. Kung ano lang ang meron sa’yo, yun doon lang iikot ang information na nalalaman mo. Pwera nalang kung magaling kang dumiskarte sa panahon ngayon.
So ayan, pag isipan mo kung mag eenroll ka sa review class o hinde. In my case, I did both. Wag kang mag alala, may ishashare akong mga ipinagbabawal na teknik o Hokage Moves sa’yo in the course of this book. 🙂
MATERIALS
Whether you decide to enroll in a review class or have a self-review, resource materials are essential pa rin. Now, what are the necessary materials that you should possess?
- Old notes. Importante na na-keep mo ang mga old notes mo nung nasa college ka pa (tulad ng pag keep mo ng feelings mo sa kanya, CHAROT! HAHA!). Old notes includes notebooks at mga photocopies mo. Why? Because those are the materials na madali mong maintindihan pag binasa mo, kase for sure hawak mo yan habang nagkaklase kayo at jan mo jinajot-down ang mga pinagsasabi ng prof mo, yung iba nga may drawing2 pa ng mukha ng prof nila eh. Haha! Yan yung tutulong sa’yo para mas madali mong maalala ang mga napagdaanan mong lessons at mga sinasabi ng prof mo habang nagkaklase siya, dahil sa mga pinagsusulat mo jan.
- New notes. May bago ka na pala. Charot! Haha! Well, you need new notes to jot down new information that you have gathered whether from a lecture sa review class or from something that you have read. Simple as that.
- Compilations. Eto yung mga books na medjo manipis lang, hindi yung makapal tulad ng mukha ng ex mo na nagpasakit sayo, charot! Haha! If you can acquire compilations on all subjects (if possible) then much better, kase simplified na ang laman nun eh, because those are intended for review, not first view. Marami naman jan sa mga bookstores or online na nabibili, lalo na ngayong digital na tayo, uso na ang e-books. Kung need mo mga compilations like e-books, meron ako, bili ka lang, mura lang naman eh. Charot! Haha!
- Manila paper at pentel pen o marker. Isusulat mo kase sa manila paper lahat ng mga pinaka importanteng information na alam mong essential sa pag take mo ng exam, example jan is mga abbreviations, mga acronyms, important dates na mas importante pa sa date ng jowa mo, charot! Haha! Tapos, idikit mo yan sa wall ng kwarto mo, hindi yun puro K-POP o mga kalendaryo ng tanduay na may picture ni Ivana Alawi ang ilagay mo wala silang matutulog sa exam mo. Yung manila paper nalang idikit mo, yung tipong sa tabi ng kama mo o sa kisame directly above you para pag gising mo, yan ang unang unang bagay na makikita at mababasa mo araw-araw.
Hokage Tip:
Pwede mo rin isulat or idikit sa wall ng CR mo yung mga yun. Kase, the best place to concentrate at para makapag isip ka ng mabuti is nasa CR ka habang jume-jebs. Nakakatawa man pero totoo yan, real-talk.
READING HABITS
Mahirap magbasa lalo na kung goodbye message nya sa’yo, charot! Haha! Men, eto yung isa sa pinakaboring na part when taking the board exam, eto yung tinatawag ko na BORED EXAM (waley haha!). Pero totoo, napakaboring magbasa lalo na kung hindi ka mahilig jan, panood-nood ka lang nga manga (hentai pa, huehuehue). Mga master, importante ang pagbabasa in preparation for board exam. Magbago ka na, simulant mo nang magbasa. Wag kang mag alala, like I said, may mga ishashare akong mga Hokage Moves. Chill ka lang.
- Reading time. Humanap ka ng certain time of the day na comfortable ka magbasa, yung tipong may concentration ka sa pagbabasa ka, wag ka lang humanap ng iba at magpapa comfort sa kanya, charot! Haha! In my case, usually my reading time is yung unholy hours, from 12:00 noon to 3:00pm. Medjo mainit at maalinsangan ang mga oras na yan at nakaantok pero nakakapag concentrate ako magbasa pag pinagpapawisan. So ikaw, hanap ka ng comfortable time of the day mo para magbasa. Magbasa ka ng at least 2hours tapos relax. Wag ka magbasa ng masyadong mahabang oras, hindi nan a reretain ng utak mo yan, kung meron man, konti lang (pwera nalang kung hilig mo magbasa o sanay ka magbasa, lamproblema dun). Scientific studies said that in reading, the brain can retain
70-80% of information from 2-3 hours. Goods na yan. - Order of reading. DO NOT READ Q and A MATERIALS first!!! Wag ka muna magbasa ng mga Q and A na mga review materials, save it until 1month nalang ang natitira bago mag board exam. Unahin mong basahin ang mga old notes mo, mas madali mo kasi maintindihan yun, then yung mga makakapal na libro mo if meron ka saka na ang compilations. Divide mo yung subjects mo na babasahin at mag set ka ng timeline na dapat matapos mo siyang basahin. Pwede weekly, daily o monthly. Halimbawa, you’re going to read a certain subject, so make a timeline na dapat example within 1 month tapos mo na basahin yan then you proceed to another subject. Why? Para makakapag focus ka ng mabuti kung 1 at a time mo gagaiwn yun. Remember, you cannot server two masters at once. So, 1 subject lang every month or every week. Ano mga babasahin mo? Take down notes while you read, if you cannot understand what you read, patulong ka kay Aling Merriam.
Hokage Tip:
Familiarize and understand, DO NOT MEMORIZE! Familiarization and understanding is better because it retains more information than memorization. Delikado ang memorization kase, oo nga’t memorize mo word for word, pero what if binago or nirephrase ang question, eh yung minemorize mo eh yung binasa mo lang? Pano yan? Kaya nga familiarization and understanding is way much better kase kahit pa anong klaseng pagbaliktad ng mga questions, mag rephrase man sila ng maraming beses, pag alam mo at naintindihan mo ang binasa mo, alam mo ang sagot.
Ipinagbabawal na Teknik ng mga Master:
Pag hirap ka talagang intindihin ang mga binabasa mo, itranslate mo sa lenggwahe mo ang mga salita. Halimbawa, bisaya, tagalog, ilocano, waray, wakanda, nemekian, bahala ka anong lenggwahe mo basta yung naiintidihan mo talaga.
LIFESTYLE
Lifestyle can be a great factor in taking the board exam. This is already proven and tested
with scientific explanations.
- Diet. Diet means your eating habit. Kilatisin ang bawat kakainin kase bawat pagkain ay may kaakibat na epekto sa ating katawan at utak. Now, since you are in the course of preparing for the board exam, ayusin mo ang pagkain mo. Kumain ng tama, tamang dami at tamang pagkain. Wag masyadong matakaw, wag puro milktea, jebs lang ng kambing ang pearls nyan huehuehue! Huwag puro isaw, proben, adidas at Betamax o kahit anong streetfoods ang ulam, magkaka hepa ka nyan. Wag din puro pansit canton, magkaka UTI ka nyan, Umibig Tapos Iniwan, charot! Haha! Walang sustansya mga yun, mag prutas at gulay ka master. Wag din puro softdrinks, pupurol utan mo nyan, wag din puro beer at hard drinks, mag eenglish ka lang pero walang sense, mapapa text ka pa sa ex mo nyan eh. Mag tubig ka na lang para iwas sakit. Cleanser pa.
- Fitness. Fitness doesn’t mean na fit na fit ka tulad ni Papa P or like Arnold Schwzar….zgarghlafnvr, ah basta si Terminator :P. Fit means, you’re physically fit like most or all of the toxins in your body eh napapalabas mo. Ibig kong sabihin, mag ehersisyo ka araw-araw. Exercise doesn’t mean you need to go to the gym or do rigid exercise, a 30mins jog or walk every day will do, importante lalabasan ka…ng pawis (hmm). Yung mga toxins kase, nakukuha yan sa kinakain natin, yang toxins na yan eh bumabara sa ating dugo, remember blood circulates in our entire body including the brain, so pag hindi maayos ang circulation ng blood sa ating utak because of the toxins, hindi sa gumagana ng maayos. The best way to release that toxins is thru exercise, kaya magpapawis ka tuwing umaga.
- Gadgets. Iwasan ang sobrang gadets. Lalong lalo na ang sobrang babad sa computer o cellphone. Radiation destroys our brain neurons which are responsible for our memory, once that neuron is destroyed of course ma dedestroy yung mga memories na nakapaloob dun, kaya diba pansin mo mag mga bagay o pagkakataon na hindi na natin naaalala, tulad ng kung naging kayo ba o hinde, charot! Haha! Iwasan natin ang laging babad sa social media, jan nalilihis ang focus at concentration natin eh, may papost post ka pa kunyare nagbabasa wala naming naintindihan sa binasa (ouch, bitter! Haha!). Mantakin mo, early morning when you wake-up, aminin mo, instead libro unang hahanapin mo eh yung cellphone mo diba? Tapos open sa facebook, scroll-scroll, stalk sa ex at sa bago nya (itigil mo nay an uy!). Unahin mong hanapin libro mo, wala ka nang pagasa sa pang iistalk mo. Tigilan mo na rin yang ML mo, kahit anong gawin mo kanser ka pa rin sa game, buti pa magbasa ka, hindi nakakatulong ang ML sa board exam, saka ka na mag ML pagtapos mo ng exam, di ka rin naman aabot sa Mythic eh, kanser ka eh. Instead na mag games ka sa gadget mo, mag download ka nalang ng ebooks na makakatulong sa pag rereview mo.
- Sleep. Ugaliing matulog ng tama. Matulog ng maaga, wag magpuyat, nakaka destroy din ng brain cells ang pagpupuyat. Around 10pm matulog kana, gising ka 5am para mag ehersisyo. Matulog ka din after reading para naman ma refresh ang brain mo.
- Relax. Mag relax ka din paminsan minsan, magliwaliw ka somewhere. Lakad-lakad sa boulevard of broken dreams, sa beach, langhap ng sariwang hangin. Nakakatulong yan para ma refresh ang isip natin.
- Pray. This is the most powerful weapon you can equip before and during taking the board exam. Kahit gaano ka pa ka-makasalanan, painapatawad at minamahal ka pa rin ng ating
Diyos. Magdasal ka, makipag communicate ka sa kanya. Magpasalamat ka sa bawat biyayang natatanggap mo araw-araw. Pero wag mong ipagdasal na pumasa ka, ang tendency kasi nyan, pag pinagdasal mo palagi na pumasa ka eh pag di ka pumasa, ma fufrustrate ka lang. Instead, ipagdasal mo na bigyan ka ng tamang pag-iisip, wisdom, guidance and peace of mind every day as you prepare yourself in taking the board exam. Sabi nga ni Bruce Lee, “do not pray for an easy life, pray for strength to endure a difficult one”.
CONDITIONING
Ayan na! Papalapit na ang bored exam, este board exam. Kala ko kase bored kana sa
pagbabasa ng mga binabasa mo. Hehe.
- Review. A month before the board exam, dapat review nalang gagawin mo, validations sa mga nabasa mo. First 2 weeks, compilations nalang (yung mga maninipis na notes) then 3rd week is pwede ka na mag Q and A for validation.
- Relax. 1 week or 3 days before the exam, wag kanang magbasa, irelax mo ang utak mo, kase nasa subconscious part of the brain na lahat ng mga informations na nabasa mo. Wag kana magdagdag, hindi nay an mareretain, para ka nang isang baso na puno nag tubig, pag pilit mo dinadagdagan, nasasayang lang.
Important Note:
I don’t know if this is true to all but as per experience, naniniwala talaga ako dito. When you’re taking a big undertaking in your life, in your case preparing for the board exam, expect na maraming trials na haharang during the course of your preparation. Minsan mabibigat na pagsubok, yung tipong magiging dahilan ng hindi mo pag take ng exam. Wag kang padala sa problemang yan, you must take the board exam no matter what happen. You are just tested kung hanggang saan ka talaga kaya GO lang. Kaya importante talaga ang prayer, prayer for strength to endure a difficult life.
THE BIG DAY
Wake up early, 5am will do. Upon waking up, take at least 5 minutes to meditate, sit in front of the light (sun), close your eyes, inhale from your nose hold for 3 seconds, exhale to your mouth. Do it at least 5 times. Then PRAY. After praying, take a bath, eat breakfast talaga, importante yan, wag yung kape-kape lang. Few minutes before the exam, meditate and pray, surrender everything to God.
EXAM TIME
Make sure na nakapag agahan at nakapag baon ka, lalong lalo na snacks. Kaya mo yan!
- What to do? Read and follow instructions. Makinig ka ng mabuti sa proctor lalong lalo na sa mga instructions, jan maraming bumabagsak eh, not following instructions. Answer legibly, neatly and cleanly. Avoid erasures. DO NOT WRITE ANYTHING sa answer sheet, pwera lang yung portions na need mo fill-upan.
Hokage Tip:
Pag sumasagot ka na, wag kang ma pressure sa time. Just read carefully and then pag sigurado ka sa sagot mo, sagutan mo na kaagad para maka proceed sa next question. Pag hindi ka sigurado sa sagot mo, just leave a mark sa questionnaire (allowed kayo na sulatan ang questionnaire) kung saang item ka nagdadalawang isip. Leave a mark indicating that you are not sure with your answer. Pag yung hindi mo talaga alam ang sagot, still do the same. Proceed kana agad sa next question para hindi ka magagahol sa oras, wag kang tumigil ng matagal sa isang question, kakainin lang nyan ang oras mo. Balikan mo nalang yan pag tapos mo na sagutan lahat and repeat the process hanggang sa masagutan mo na lahat.
Ipinagbabawal na Teknik ng mga Master:
Pag hirap ka talagang intindihin ang mga binabasa mo, itranslate mo sa lenggwahe mo ang mga salita. Halimbawa, bisaya, tagalog, ilocano, waray, wakanda, nemekian, bahala ka anong lenggwahe mo basta yung naiintidihan mo talaga.
- What to bring? Bring snacks. In this case, yung sweet tulad ni crush, charot! Haha! Pwede na candies or small chocolates. Glucose happens to be the food of our brain, so sweet is essential. However, the best food to bring is sweetened peanut, almond or hazelnuts sana kaso poor tayo eh kaya peanut nalang hahah! Habang sumasagot ka kase, ngumunguya ka plus may sweet pa, so the brain is not stagnant, it keeps on working and makes you concentrate. Tapos, water lang, wag na juice, Gatorade, softdinks (soda), lalong lalo na alcohol (haha!). Water lang para safe.
- What to expect? Expect a very tiring day lalong lalo na sa mga 3days na examination like sa Criminology, 3 days ang exam ng 6 major subjects with 32 sub-subjects. Sa teachers’ exam naman is 1 day lang but still it’s a very tiring day, hindi pwedeng maliitin ang 1 day exam. Kaya after exam, pahinga ka, matulog ka, wag kana magbasa. Then after answering the last subject on the last day, close your eyes, meditate and pray again, magpasalamat ka sa Panginoon. Pasado man o hindi, magpasalamat ka pa rin dahil naka take ka at natapos mo. Kung pumasa ka, edi wow, paburger ka naman! Kung hindi naman, take ka ulit, walang batas na nagbabawal sa pag uulit ng exam. Don’t be afraid of failure, because failure is not the opposite of success, it is a part of success and our greatest glory is not in never failing, it’s rising every time we fall and your dream doesn’t have an expiration date, take a deep breath and try again.
So I hope nakatulong ang mga pinagsasabi ko dito sa iyo, pero I’m sure na makakatulong to kase it’s all based on experience, and experience is the best teacher ika nga nila. I have experienced it, saw countless takers experienced it and we have learned from it. This is not a guarantee of 100% passing, because this book doesn’t have the answer to the questions in your exam and at the end of the day, it’s all up to you and your discipline. This book only serves as guidance as you prepare yourself in taking the board exam to get the best chance of passing the board exam. So, hanggang dito na lang at ako’y mag-iiwan sa inyo ng mga salitang “Life is simple, but we insist on making it complicated” —Confucius
Credits to Gab
For Criminology reviewers and notes, visit https://masterfiles.online/