Walang POOR-eber!
Pera. Aminin man natin o hinde, isa talaga yan sa main reason na nagpapagaan at nagpapaligaya sa atin. Bakit? Dahil nakakabili ito ng mga bagay na nakakapag pasaya o nakakapag satisfy sa atin. Nagagamit ito upang makapag pasaya ng kapwa lalong lalo na sa mga nangangailangan. Nagagamit ito sa maraming bagay, nagagamit natin ito upang makabili ng pagkain, regalo sa mga anak at mahal sa buhay, pambili ng gamut at marami pang iba. Ika nga sa kasabihan, “money makes the world go round.”
Walang masama sa paghangad ng maraming pera basta’t sa mabuting paraan at mabuting intensyon sa pag-gagamitan nito. Maraming paraan upang magkapera sa madaling paraan, mayroong mabuti at masamang paraan, and obvious naman kung alin ang pipiliin natin, mabait tayo eh. Hehe!
Minsan nagkakanda kuba-kuba na tayo sa pagtatrabaho araw-araw pero kinukulang pa rin sa mga gastusin, yung iba naman, pa-chill chill lang pero nagtataka ka bakit nakaka-afford sila ng mga ganito, ganyan. Well, minsan din kase, nasa lifestyle natin yan, sabi nga sa kasabihan, “Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot”. So habang konti pa lang ang sahod mo at marami kang gastusin, matuto kang magtipid at magtiis kung anong meron lang sa’yo. Pero hindi masama ang mangarap ng mataas at mangarap maging mayaman kaya yung iba, gumagawa ng ibang diskarte upang madoble ang kinikita nila sa regular na trabaho nila. Minsan yung iba nagsa-sideline, nag-oonline selling, nag-papart-time teaching (e.g ESL), nagnenegosyo. Dahil nature natin yang mga tao na gusto pa nating i-level-up ang nakagawiang satisfaction level natin kaya naghahangad pa tayo ng mas mataas.
We don’t wanna be poor-eber (poor forever) kaya nagsusumikap tayo palagi, kaya lang minsan mali yung mga diskarte natin kaya kahit anong pagsusumikap natin ay hindi pa rin tayo umaasenso. Ilan sa mga maling diskarte natin ay:
- Mismanaged finances
- Mga luho
- Sobrang galante
- Financial Ignorance
Masakit man isipin pero ganyan o naging ganyan tayo (kasali na ako). Ang pagtitipid ay hindi sapat, kailangan palaguin kung anong meron kayo. Skills, pera, connection at iba pa. Kaya nararapat lang na baguhin natin ang ating mindset kung gusto nating magkapera.
Pinakamabisang paraan is to invest. Not just invest in something like stocks or crypto because it’s uso but invest in education and skills. You want get rich in stock market or crypto? Invest in educating yourself in that area. Ang mga nagging milyonaryo sa stock market at crypto ay hindi tsamba2, pinag-aaralan yan, they invested to educate themselves to be equipped with knowledge in that area. Skills, invest yourself in learning new skills. It might come in handy anytime soon.
Tulad ko, I’m a Criminology Graduate (board passer din charot, hehe!). Pero habang nasa college pa ako, I wanted to learn about graphic arts, so nag-aral ako ng Photoshop, sa youtube lang. Punta sa internet café, nood ng tutorials habang ginagawa in actual. It came a time na nagamit ko rin ang natutunan kong skills. Moving forward naging public school teacher ako (pasado rin sa board exam, tsumamba. Hehe!) pero di pa rin ako makuntento, napapaisip at na-aamaze ako sa website, so naisip ko na what if gagawa rin ako ng website ko. Ayun, nood na naman ng tutorials and to cut the story short, natuto ako and with God’s grace dahil sa skills na natutunan ko in web developing eh napasok ako sa isang company. Isang multi-tiered marketing platform designed to provide unprecedented exposure for its clients wherein it combines the power of the blockchain with an innovative system to decentralize digital marketplaces and create a new paradigm for online commerce. Odivah, vonggah!
Kidding aside, investing in education and skills is one of the most important formula to rise against poverty. With that, you can and may use it anytime you want with anything plus dagdagan mo na ng pagsisikap, tamang financial management at pinaka importante sa lahat, dasal. Regardless kung anong pinaniniwalaan mo o anong relihiyon ka, dasal ang pinaka powerful weapon natin sa lahat. Proven and tested na yan. May mga naisip ba kayong paraan on ho to earn money nowadays aside from traditional businesses? Kung meron man, wag ahiyang ishare sa comment section natin ang inyong mga ideas and opinions. 😊 Sa susunod na blog ko ay may isheshare akong diskarte to earn money while you sleep. XD